Home Other languages Who are we in Tagalog
Who are we in Tagalog Print E-mail

Sino Kami?

Maikling Kasaysayan

 Ang Fundació Barcelona Promoció (FBP) ay nilikha noong 1987, kasabay ng tagumpay ng pagkakahalal ng lungsod ng Barcelona upang isagawa ang ika-25 Palarong Olimpoko na ginanap noong  taong 1992. Itinaguyod ng  Camara de Comercío de Barcelona, ang FBP ay tumangap ng tulong  mula sa mga pangunahing institusyon ng lungsod at  mga sektor ng negosyo, pati na rin ang karimihan ng mga kinatawang samahan . Ang pangunahing layunin ng FBP ay itaguyod ang imahen ng lungsod ng Barcelona sa buong mundo, higit sa lahat sa larangan ng ekonomiya at panlipunan. Upang makamit ang mga layuning ito, ang FBP ay bumuo ng  dalawang linya ng aktibibad. 

- Pagtulong sa negosyong pang-internasyonal upang mapabilis at itaguyod  ang direktang pangdayuhang inbersyon.

-Pangdaigdigang pagtataguyod ng lungsod ng Barcelona.

 

Ano ang aming ginagawa?

Ang pangunahing layuning ng FBP ay itagguyod ng FDI (direktang pangdayuhang pamumuhunan) sa parehong direksyon, papasok at palabas ng bansa, na naghihikayat sa isang aktibong pakikilahok  ng mga  kompanyang espanyol sa pang-internsyonal na oportunidad ng negosyo. 

Paano namin ito ginagawa?

 Ang aming pagganap bilang tagapamagitan ay  sumusunod sa isang mahigpit na pamamaraan ng pagganap na batay sa:

1. Pagtitipon ng impormasyon sa pamamagitan ng aming mga  ugnayang pang-internasyonal: mga organisasyong multilateral at mga kinatawang opisina ng Espana.

2. Paghahanap ng mga bansa at mga sektor na maaring  siyasatin.

3. Pagtuklas ng kampo: pagbisita sa bansa. Pakikipag-ugnayan sa pamahalaan local, mga institusyong pampubliko at mga pribadang ahensyang  sa larangan ng pamumuhunan.

4. Pagpapalaganap/Pagbibigay ng impormasyon: Pagbabahagi ng mga opurtunida ng negosyo  sa mga napiling kompanyang sa pamamagitan ng pagpupulong sa pagitan ng  mga experto sa larangnang nabanggit at  ng mga napiling kompanya

5. Pagpareha ng mga proyekto ng inbersyon at  mga kompanyang napili  upang magkaroon ng  mahaba at responsableng pamumuhunan.

6. Pagbisita sa bansa ng delegasyon na binubuo ng mga mamumuhunan.

 7. Serbisyo ng subaybay .

Mga Organismong Multilateral

Mula sa simula ng taong 2000,  ang FBP  ay nakipag-ugnayan sa  mga pangunahing   organisasyong pampananalaping multilaterales.  Bilang halimbawa, ang FBP ay nagsilbing kinatawang opisyal ng  pampribadong sektor ng Banko Mundial (PSLO)  na tumataguyod  sa mga actividad pang-multilateral  para sa mga kompanyang español.

Ang aming layunin ngayon ay  maging tulay sa pagitan ng mga organismong  multilateral at mga mamumuhunan, mabawasan ang  distansya  at limitasyon sa pagitan ng mga bansa at  matulungan ang mga  kompanyang espanyol na  maintindihan ang mga  oportunidad na maaring ihandog o itaguyod ng mga organismong multilateral sa mga paunlad na bansa.

Katulong ng Departamento Internasyonal ng Cámara de Comercio ng Barcelona, ang FBP  ay maayos na  nakikipag-ugnayan sa mga Multilateral at handa magsagawa ng hakbang na naayon pamamaraan  o estratehiya  ng mga organisasyon.

Ang aktibidad pang-internasyonal ng FBP  ay higit pang pabubutihin  sa mga sumusunod na taon  upang magkaroon ng ugnayan  pang-internasyonal at mapatibay ang papel bilang Tagapamagitan.

 

 Select language:

                        


GENERALITAT

Banner